Tuesday, January 12, 2010

Be Contented on What You Have...

Hi Mga Friends,

i open my radio unit inside my car yesterday habang pauwi ako from work and tune into AM radio program at ang topic nila is regarding sa mga kaso sa partihan sa lupa ng mga magkakapatid. Naisip ko lang kasi sabi sa radio na matagal na pinag-tatalunan sa korte yung lupa at ang magpapartihan ay halos matatanda na. At yung gigil na gigil sa partihan ng lupa ay medyo bata pa. Imagine, kung kamatayan na yun ng mga papartihan ng lupa eh di wala na di ba kasi sa tagal ng kaso (karamihan may sakit na yung magkakapatid na magpapartihan..sana panggamot nalang if mabenta agad yung lupa di ba...at makatulong ng malaki dun sa maiiwan nila sa buhay if ever).

Bigla ko tuloy naisip mga magulang ko sana hindi ganun ang mangyari sa kanila (maliit lang naman na lupa pero naisip ko na baka may biglang mag react sa partihan). Last time i talked to my mom i told her na kung ano man parte ibigay sa kanya tanggapin nya na at ipagpasalamat sa DIYOS. kasi blessing yun at huwag na sya makipagtalo kung maliit o malaki and besides its not our LUPA sa totoo lang. Sa DIYOS naman ito lahat.

Pumasok nga tayo sa mundong ito na walang suot at mamatay din na walang madadala eh bakit pa tayo makikipagpatayan sa lupa. I just share this little things na naisip ko lang kasi baka kahit papaano maka help ako sa pag iisip ng mga ka tagged friends ko na mayayaman (hehehe) o nahaharap sa ganitong problema. hehehe. Tandaan natin na lahat naman ay temporary lang and we must be GOOD to others.


Sorry mga friends ha baka nakukulitan na kayo sa akin hehehe :)

Thank You again.

-Dwight

No comments:

Post a Comment