Friday, July 9, 2010

DFA, Manila still un-organize?

Nagpunta ako ng DFA kanina sa macapagal to get my passport, i was there around 3:00pm. Imagine dinatnan ko mga tao nakapila sa releasing sa labas at sa tirik na tirik na araw. Sobrang pahirap ginagawa ng bagong system sa DFA. Sana nireview muna nila lahat ng maigi ang proseso. Alam naman nila na ang magiging transaction nila ay libo libo araw-araw. Dapat malaki ang space na kinuha dahil sa volume ng tao. Oo. Sa totoo lang bumilis kasi automated na. Pero yung Service Level Agreement hindi naman nasususnod. Sana ginaya nila ang bansang japan. Sa Japan yung mismong Government employee pa mag aasikaso ng mga papeles mo para mapadali. Kanina nag timer ako sa cellphone ko simula ng makaupo ako hanggang makuha ko bago kong passport. Eksakto 2 hours and 14minutes. Yung katabi ko umiiyak naman kasi 7am pa daw sya sa DFA nawala naman ang passport nya hindi daw makita sa loob for release. Tapos sabi ng empleyado ng DFA umuwi na sya at bumalik nalang sa lunes. Ngayon nung kukunin na nung babae yung resibo para ma claim nya pag balik nya sa lunes. Nawala naman yung resibo. Hayyyyy!!!! Sana maayos na ng DFA ang system nila para EveryBody Happy na. Hindi ako nagblog para mang inis o mang asar lang. Gusto ko lang sana maging maayos ang sistema. Eh halos kanina dami naiinis, may nagmumura, may naiyak. Para tuloy magkakaway ang mga tao. Ito pa nung inabutan ko mga tao sa labas na nakapila sa tirik na araw...naisip ko para silang chitcharon hahaha binilad mga tao sa araw...tapos papasukin mo sa sobrang lamig naman tiyak sakit aabutin ng mga tao. Sana ang blogged na ito ay makarating sa pamunuan ng DFA at sa atin bagong Pangulo ng Bansa. Sana ma review ulit ang system at pagkatapos  lakihan mga spaces na pag iintayan ng mga tao at damihan ang empleyado ng DFA na magseserve sa mga tao at higit sa lahat masunod sana yung Service Level Agreement o SLA nyo sa mga tao. At maging magalang po.

No comments:

Post a Comment